Top Suzara

Magpakailanman


Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Naalala tayo'y magkasama
Ika'y kapiling o anong saya
Di maunawaan
Kung bakit lumisan
Nahihirapang tanggaping
Wala ka na
Ngunit ramdam ko
Nariyan ka
Nararamdaman ko
Di ka naman nawala alam kong nariyan ka lang
Aking mahal
Di ko inakala
Na magiging ganito
Ngunit sa bawat luha ko
Aking mahal
Alam kong naririto at ika'y
Makakasama magpakailanman

Sana'y sinabi ang di ko nasabi
At sana'y nagawa ko
Lahat ng di ko nagawa
Para mapakita
Sayo ng lubusan
Na sa aking buhay
Ikaw ay mahalaga
Ngayon ay wala ng paraan
Para ika'y makayakap
At muling mahalikan
Alam kong nariyan ka lang
Aking mahal
Di ko inasahan
Na magiging ganito
Ngunit sa bawat luha ko
Aking mahal
Alam kong naririto at ika'y
Makakasama magpakailanman

Lagi-lagi kong pinagdarasal
Na sana'y pagbigyan ng maykapal
Na muli kang makausap
Kahit sandali lang
Para magpasalamat
At masabing minamahal kita
Patawarin mo sana alam kong nariyan ka lang
Aking mahal
Di ko inasahan
Na magiging ganito
Ngunit sa bawat luha ko
Aking mahal
Alam kong naririto
At sa 'king tabi kasama ko
Alam kong nariyan ka lang
Aking mahal
Di ko inasahan
Na magiging ganito

Ngunit sa bawat luha ko
Aking mahal
Ay naaalala ko na
Ang pagmamahal mong totoo
Tulad ng pagmamahal sayo
At hinding-hindi maglalaho
Magpakailanman
Magpakailanman