Sylvia La Torre

Magsaya Ka At Ngumiti

Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Sa iyong minamahal kapag ikaw ay nasawi
Magsaya ka at ngumiti
Bakit mo didibdibin kung ikaw ay may pighati
Kay gandang masdan ang labing nakangiti

Dapat mong ilihim ang iyong mga dinaramdam
Ngumiti ka iyan ang buhay
Ang dilim ng magdamag ay di naman nagtatagal
May ngiti rin ang araw

Kung hindi mo makamit ano man ang minimithi
Magsaya ka at ngumiti
Bakit mo didibdibin kung ikaw ay may pighati
Kay ganda kapag ika'y ngumingiti