Sylvia La Torre

Mahal na mahal kita


Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Kahapon lamang
Ang puso ko'y galak na galak
Sa paniniwalang
Ikaw ay tapat

Subalit hirang
Ngayon ko nalalaman
Na 'yong nilimot
Ang ating sumpaan

Ang 'yong pangako
Lagi kong hinahanap
Tuwing lumuluha
Ang puso kong wasak

Mahal na mahal kita ngunit di mo binigyang halaga
Ang sumpa kong ikaw lang talaga ang itatangi sa pagsinta
Mahal na mahal kita ligaya ka't pag-asa ng aking puso
Na nagdurusa pagkat minamahal kita

Mahal na mahal kita ligaya ka't pag-asa ng aking puso
Na nagdurusa pagkat minamahal kita