Dianne Dela Fuente

Mahawi Man Ang Ulap


Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Mahawi man ang ulap
Di mo matitiyak
Kung laging mayroong bughaw
Ka pang matatanaw
At sa umaga't hapon ba'y
May araw bang sisikat
Sa gabi naman kaya'y
May talang kikislap
Habang sinasariwa
Dati mong mga pangarap

Sundan ang bahaghari
Sa kanyang hangganan
Baka doo'y sakali
Ulap mo'y magpaalam
Ang pag napawi na'ng
Sanhi ng kapanglawan
Muling buksan ang pusong
Bihag ng karimlan

Kayanin mong limutin
Luha ng nagdaan
Ba't mo pa iisipin
Ang dating sumpaan
'Sanlibo't 'sang kasawian
Pasan mo habangbuhay
Kung di mo ngingitian
Dinanas na lumbay
Ulap ay mahahawi
Kahit na paminsan-minsan

Sundan ang bahaghari
Sa kanyang hangganan
Baka doo'y sakali
Ulap mo'y magpaalam
Ang pag napawi na'ng
Sanhi ng kapanglawan
Muling buksan ang puso
Muling sundan ang araw
Hawiin mo ang ulap ngayon