Sylvia La Torre

Malaking Hirap


Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Malaking hirap pala
Ang umibig sa iyo
Dahil sa di ko batid
Kung sasawiin mo
Kay dami nang lubha
Ang mga pasakit na kung wariin ko
Ay nagiging ligaya mo

Habang nagtitiis ang puso kong may lumbay
Lalong sumisidhi
Ang aking pagmamahal
Sa luhang kay pait na di mapigilan
Ay sinasariwa ang sumpang walang hanggan

Habang nagtatagal ang aking pamamanglaw
Sa buhay ko'y ikaw
Ang lalong minahal
Ngunit manalig ka
Na ngayon at kailan man ay
Ikaw lamang ang pagsuyong di mapaparam

Ngunit manalig ka
Na ngayon at kailan man ay
Ikaw lamang ang pagsuyong di mapaparam