Razorback

Manna


Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Natuto ka na bang mangarap ng mataas
Gumising ka na ba sa 'yong mga panaginip
Natuto ka na bang bumaba mula sa langit mong tinutungtungan
Natuto ka na bang tumingin bago humakbang

Walang kaibigan walang pamilya
Walang minamahal siya'y nag-iisa
Walang maghahanap kapag siya ay nawala
Walang makakalimot dahil walang nakakaalala

Nakaupo sa gilid ng mundo gustong tumalon
Nakaupo sa gilid ng mundo gustong tumalon
Nakaupo sa gilid ng mundo gustong tumalon
Nakaupo sa gilid ng mundo gustong tumalon

Walang kamay na pipigil sa kanya
Nasaan ka na nasaan ka na