
Mara Clara
Ang buhay minsa'y nakapagtataka
Kahit ating sikapin na ito ay maiba
Sa bandang huli babalik muli
Sa kung saan lahat nagsimula
Ang kahapon ating di' na mabalikan
At bukas ay palaging di' natin malalaman
Totoo nga bang may guhit ang tadhana
O nasa tao ba ang paraan
Mara Clara
Ika'y ako ngayon at ako'y ikaw
Katotohanan 'di pa natatanaw
Sa agos ng buhay tiyak ay lilitaw
Ang buhay minsa'y nakalilito
Pilitin mang baguhin ang kanyang anyo
Lahat may paltang baliktari't takpan
Lilitaw ang tunay na loob nito
Mara Clara
Sinilang may kanya-kanyang palad
Datapwa't kapalaran ay ibinaligtad
Ipinagpalit 'di ginawang huwad
Di' ko masasabi pa hanggang saan
Hanggang kailan
Itong magkabilang landas
At kailan magwawakas
Ang ating magkabilaang katotohanan
Mara Clara
Sinilang may kanya-kanyang palad
Datapwa't kapalaran ay ibinaligtad
Ipinagpalit 'di ginawang huwad
Mara Clara
Katotohan ay lilitaw