Fatima Soriano

Mariang Ina Ko


Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Sa'king paglalakbay sa bundok ng buhay
Sa ligaya't lumbay maging talang gabay
Mariang ina ko ako ri'y anak mo
Kay Kristong kuya ko akayin mo ako
Kay Kristong kuya ko akayin mo ako

Maging aking tulay sa langit kong pakay
Sa bingit ng hukay taglay aking kamay
Mariang ina ko ako ri'y anak mo
Kay Kristong kuya ko akayin mo ako
Kay Kristong kuya ko akayin mo ako

Sabihin sa kanya aking dusa't saya
Ibulong sa kanya minamahal ko sya
Mariang ina ko ako ri'y anak mo
Kay Kristong kuya ko akayin mo ako
Kay Kristong kuya ko
Akayin mo ako