
Maruja
Maruja tunay kang pinagpala
Sa yaman sa ganda'y sagana
Larawan ka ng isang kagandahan
Sa pagsinta'y di mapapantayan kailan man
Maruja ang busilak mong puso
Sagisag ng tapat na pagsuyo
Hanggang wakas pag-ibig ko'y di magmamaliw
Kahit mamatay man ikaw
Kung sadyang sawi
Ang aking buhay
Ako ma'y laan pa ring magtiis
Maruja ang busilak mong puso
Sagisag ng tapat na pagsuyo
Hanggang wakas pag-ibig ko'y di magmamaliw
Maruja wala kang kapantay