Join the Club

Mas Miserable


Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Biglang gumitna sa patlang ng isipan
Mga salitang ayaw maunawaan
Bawat paglisan sadyang miserableng limutin kita (limutin kita)
Saan hahantong aking nararanasan
Ayokong sabihin na di ka kailangan
Sabik na maisip kung bakit malimit akong masaktan

Hindi rin naman ako magtatagal
Ang hangad ko lamang ay makita ka
Kahit sandali alam ko na
Na wala na ring ibang magagawa (magagawa)
Tangka mang lumapit

Ninais ko sanang sundan ka man lamang
At kahit saglit sayo ay magpaalam
Ngunit kaya bang humarap
Nang mayroon kang kasamang iba (kasamang iba)
Siguro nga dapat ka nang kalimutan
Bakas ng kahapon mo ay talikuran
Hanggang ang damdamin maglaho
At kusang muling magmahal

Harapin ang huling sandali ng alaala mo
Ang dating sa akin
Ngayon may iba nang nagmamay-ari
Lasapin ang huling sandali
Lasapin ang huling sandal

Hindi rin naman ako magtatagal
Ang hangad ko lamang ay makita ka
Kahit sandali alam ko na
Na wala na rin ibang magagawa
Tangka mang lumapit
Tangka mang lumapit
Tangka mang lumapit bakit pa