Mike Hanopol

Masama O Mabuti


Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Huwag kang mabalisa
Dahil sa masama
Huwag mong kainggitan
Mali nilang gawa
Katulad ng damo
Sila'y malalanta
Tulad ng halaman
Matutuyo sila

Ang iyong sarili
Sa Diyos mo ilagak
Pag nagtiwala ka'y tutulungan kang ganap
Ang kabutihan mo ay magliliwanag
Katulad ng araw kung tanghaling tapat

Umasa ka sa Diyos ang mabuting gawin
Mananahan kang ligtas ang lupain
Sa Diyos mo hanapin ang kaligayahan
At ang pangarap mo'y iyong makakamtan

Pumili ka mamili ka masama o mabuti
Pumili ka saan ka ba masama o mabuti
Gawin mo na ngayon na hindi ka mahuli

Huwag kang mabalisa
Dahil sa masama
Huwag mong kainggitan
Mali nilang gawa
Katulad ng damo
Sila'y malalanta
Tulad ng halaman
Matutuyo sila

Umasa ka sa Diyos ang mabuting gawin
Mananahan kang ligtas ang lupain
Sa Diyos mo hanapin ang kaligayahan
At ang pangarap mo'y iyong makakamtan

Pumili ka mamili ka masama o mabuti
Pumili ka saan ka ba masama o mabuti
Gawin mo na ngayon na hindi ka mahuli

Pumili ka mamili ka masama o mabuti
Pumili ka saan ka ba masama o mabuti
Gawin mo na ngayon na hindi ka mahuli