Sylvia La Torre

May araw ka rin

Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Ang ating kahapong kay saya
Kailan man ay hinding-hindi mawawala sa alaala
Tulad natin ay mga ibong kumakanta sa himig ng
Isang awit ng pagsinta

Ngunit dumating ang sandali na ako ay iniwan mo
Kaya lubos akong nagdusa
At ngayong nagbago ka'y halos
Ikamatay ko ang pag-ibig sa labis na pangamba

Kay dali mong nagbago
Kay dali mong nalimutan ang sumpa mong ako lamang
Ang tanging pag-ibig mo

Ang puso mo't puso ko
Dati'y nagkakaisa ng pagtibok sa pagsinta
Kahit kung minsa'y may tampo

Naglaho ang pag-ibig
Ang iniwan mo ngayon sa aking puso ay pasakit
At luhang anong pait

Ngunit
Dapat mong alalahanin
Na sa aking pagdaing
Na tila hindi mo pinapansin ay may araw ka rin