
May Pag-ibig Pa Kaya
Inalagaan at minahal kita
Pinangarap at sinamba ko pa
Sinugatan ang puso kong ito
Nang nagkalayo puso'y nagtampo
Di maiwasan na maalala pa
Ang pag-ibig na siyang nagbibigay-sigla
Mga umaga na dati'y kay saya
Ay lumipas na at di na maibabalik pa
May pag-ibig pa kaya buksan ang puso mo
Pagkat ika'y mahal mahal pa rin hanggang ngayon
May pag-ibig pa kaya kailanma'y maghihintay sa'yo
Umaasa na mahal mo pa rin ako
Mga pangako sa 'yo'y tutuparin
Hindi iibig sa iba kailan pa man
Kahit di na tayo magkatagpo
Iibigin ka kahit na mabigo
May pag-ibig pa kaya buksan ang puso mo
Pagkat ika'y mahal mahal pa rin hanggang ngayon
May pag-ibig pa kaya kailanma'y maghihintay sa'yo
Umaasa na mahal mo pa rin ako
Iniisip na mahal mo rin ako
May pag-ibig pa kaya buksan ang puso mo
Pagkat ika'y mahal mahal hanggang ngayon
May pag-ibig pa kaya kailanma'y maghihintay sa'yo (iniisip na mahal mo rin ako)
Umaasa
Mahal na mahal mahal na mahal
May pag-ibig pa kaya sa puso mo