
Mutya Ng Silangan
Ang mutya nating silangan
Pilipinas ang pangalan
May damit na tatlong kulay
At may magandang larawan
May tatlong bituing kumikinang
Nasa tatlong panulukan
Malaong pinahirapan
Ng lahing mangangamkam
Nung tayo'y nasa kadiliman
Martir natin ay nagpaalam
Anya'y nasa kabataan
Ang pag-asa nitong bayan
Ang buhay ni Gat Jose Rizal
Hinandog at inialay
Sa tawag ng inang bayan
Sa naglahong himagsikan
Nung tayo'y nasa kadiliman (sa kadiliman)
Martir natin ay nagpaalam (ay nagpaalam)
Anya'y nasa kabataan (nasa kabataan)
Ang pag-asa nitong bayan (pag-asa nitong bayan)
Ang buhay ni Gat Jose Rizal (buhay ni Jose Rizal)
Hinandog at inialay (at inialay)
Sa tawag ng inang bayan
Sa naglahong himagsikan
Ang mutya nating silangan Pilipinas ang pangalan