
Mutya niyaring puso
Mutya niyaring puso dinggin sandal ang pagsamo
Panambitang tapat ay takot mabigo
At baka lang masiphayo
Mamahalin ka tuwina
Kahit walang pag-asa
Handa akong magdusa
Kung dulot mo sinta
Ay magbuhat nang makita ka
Nangarap na sa pagsinta
Tuwina'y inaalala ka
Bawat buntong hininga
Kung akin lang makakamtan
Ang tunay mong pagmamahal
Buhay ko may ipapalit
Maibig mo lamang
Tuwina'y inaalala ka
Bawat buntong hininga
Kung akin lang makakamtan
Ang tunay mong pagmamahal
Buhay ko may ipapalit
Maibig mo lamang