
Nagkamali Ako
Huwag sanang totoo nang ibigin kita'y
Nagkamali ako sa iyo sinta
Nagkamali ako nang ibigin kita
Nagkamali ako nang dahil sa 'yo sinta
Nagsisisi ako kung bakit ka nakilala
Di sin' sana'y maligaya
Ang puso kong may luha at laging may dusa
Nagkamali ako nang kita'y minahal
Minamahal kita nang higit sa aking buhay
Ikaw ba ay sadyang sanay magsalawahan
Bakit ang aking puso ang napili mo pang gawin mong laruan
Wala kang habag wala kang awa
Wala kang pusong marunong umunawa
Kung ako'y mahal mo
Nais ko'y sundin mo
Nang huwag magkatotoo nang ibigin kita'y nagkamali ako
Kung ako'y mahal mo
Nais ko'y sundin mo
Nang huwag magkatotoo nang ibigin kita'y nagkamali ako
Nagkamali ako
Nagkamali ako