
Nakauwi Na
Bakit kailangang malungkot at umiyak
Bumabagal ang 'yong mundo't bumibigat
Nakatitig sa wala malayo ang tingin
Tuyo na ang luha sa lamig ng hangin
Pwede ka bang puntahan diyan at tabihan
Kahit walang sinasabi't tahimik lang
Kahit sandali lang basta't makasama ka
Kahit mamaya-maya lang ako'y uuwi na
Kahit walang katapusan hindi ka iiwan
Basta't makasama ka ako'y nakauwi na
Nakauwi na
Nakatitig sa iyo hindi panaginip
Pinagmamasdan ang 'yong pag-idlip
Pwede bang tumira sa 'yong kaharian
Pagsisilbihan ka at aalagaan
Kahit sandali lang basta't makasama ka
Dahil mamaya-maya lang ako'y uuwi na
Kahit walang katapusan hindi ka iiwan
Basta't makasama ka ako'y nakauwi na
Nakauwi na nakauwi na
'Di na kailangan malungkot at umiyak
Bumibilis ang 'yong mundo't gumagaan
Kahit sandali lang basta't makasama ka
Dahil mamaya-maya lang ako'y uuwi na
Kahit walang katapusan hindi ka iiwan
Basta't makasama ka ako'y nakauwi na
Nakauwi na nakauwi na
Nakauwi na