
Naluluha Ako
Oh
Ginawa ko nang lahat ang nais ko
Binigay ko rin lahat ang 'yong gusto
Inalipin mo ang puso't isip ko
Ngunit bakit ba sinasaktan ako
Halos araw gabi laging lumuluha
Naghihintay sayo parating tulala
Naluluha ako kung bakit ganito
Tapat naman sayo bakit ba niloloko
Naluluha ako sa kasinungalingan mo
Ano pa ba ang dapat kong gawin
Ito'y sabihin mo sa 'kin upang malaman ko
Ilang ulit akong nagtanong sayo
Kung mayr'on pang iba sa puso mo
Ang sabi mo nag-iisa ako
Nalaman kong ito'y 'di totoo
Halos araw gabi laging lumuluha
Naghihintay sayo parating tulala
Naluluha ako kung bakit ganito
Tapat naman sayo bakit ba niloloko
Naluluha ako sa kasinungalingan mo
Ano pa ba ang dapat kong gawin
Ito'y sabihin mo sa 'kin upang malaman ko
Paulit-ulit lang na ako'y sinasaktan
Bakit pag-ibig mo nama'y ganyan
Naluluha ako kung bakit ganito
Tapat naman sayo bakit ba niloloko
Naluluha ako sa kasinungalingan mo
Ano pa ba ang dapat kong gawin
Ito'y sabihin mo sa 'kin upang malaman ko oh
Naluluha ako