Company

Nanonood Ang Ulap


Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Nakatingin ako sa ulap
Nang aking naramdaman
Ang unti-unting pagpatak ng ulan
Nasabi ko sa aking sarili
Tila luha ito
Ulap ay may dahilan
Nagbago ka't di ko alam
Kung kailan

Nanonood ang ulap
Nang puso ko'y iyon saktan
Ulap ay naluha
Kaya biglang umulan (kaya biglang umulan)
Nanonood ang ulap
At mayron ka na palang iba
Alam kasi ng ulap
Na minamahal kita

Nawawala na rin ang araw
Kasabay mo syang lumisan
Ulap ang nakaalam nagdamdam
Nagdilim ang langit ng pagibig
Dating init ay kay lamig
At ikaw ang dahilan
Kaya sa puso ko rin ngayo'y umuulan

Nanonood ang ulap
Nang puso ko'y iyon saktan
Ulap ay naluha
Kaya biglang umulan
Nanonood ang ulap
At mayron ka na palang iba
Alam kasi ng ulap
Na minamahal kita (minamahal kita)

Nalulungkot ang ulap
At mayron ka na palang iba
Alam kasi ng ulap (alam kasi ng ulap)
Na minamahal kita