Sylvia La Torre

Nasaan ang sumpa mo


Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Tayo'y nagsumpaang di na magbabago
Sino man sa atin ay di maglililo
Ngunit bakit ba nagkawalay din tayo
Nagtampo ang puso mo sa puso ko

Ang lambingan at pangako'y nawala na
At ngayon ang aking puso'y naulila
Ang lahat na naging pagdurusa
Ay dahil sa sumpa mong ni wala nang pag-asa

Nasaan
Ang sumpa mong ako lamang ang palaging iibigin
Sa ligaya o lumbay

Nasaan
Ang datihang mga araw ng ating pagmamahalan
Na wari'y walang hanggan

Nasaan
Ang tamis ng mga labing
Gumaliw sa aking puso
Nung ako'y hinahagkan

Narito
Ang yakap ko'y kalungkutan
Bawat patak ng aking luha'y
Ikaw ang namamasdan

Nasaan
Ang tamis ng mga labing
Gumaliw sa aking puso
Nung ako'y hinahagkan

Narito
Ang yakap ko'y kalungkutan bawat patak
Ng aking luha'y
Ikaw ang namamasdan