
Nasaan Nga Ba Ang Pag-Ibig?
May kaba sa aking dibdib
May ligalig sa aking isip
May nadaramang kaguluhan
Sa puso nati'y puno ng digmaan
Gumugulo sa aking isipan
Gustong isigaw nararamdaman
Mga pusong luhaan
Mga pasakit kailan maibsan
Nasan nga ba ang pag-ibig
Ba't nadarama'y ligalig
Nasan nga ba ang pag-ibig
Di niyo ba kami naririnig
Mga batang walang kinabukasan
Pakalat-kalat sa lansangan
Magsasakang walang makain
Kanino kaya kanilang aanihin
Mga sundalo sa walang kwentang digmaan
Butas na sapatos walang laman ang tiyan
Mga manggagawang nagpapanday
Walang matirhan wala pa ring bahay
Nasan nga ba ang pag-ibig
Ba't nadarama'y ligalig
Nasan nga ba ang pag-ibig
Di niyo ba kami naririnig
Nasan nga ba ang pag-ibig
Ba't nadarama'y ligalig
Nasan nga ba ang pag-ibig
Di niyo ba kami naririnig
Nasan nga ba ang pag-ibig
Ba't nadarama'y ligalig
Nasan nga ba ang pag-ibig
Di niyo ba kami naririnig
Oh nasan nga ba
Oh nasan na nasan na
Oh nasan nga ba
Nasan nga ba ang pag-ibig
Writer/s: JEANNE PADUANO, JOSEF RENMIN I. NADELA