Vina Morales

Natutulog Ba Ang Diyos


Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Bakit kaya
Bakit ka ba naghihintay
Na himukin pa pilitin pa ng tadhana
Alam mo na kung bakit nagkakaganyan
Lumulutang nasasayang ang buhay mo
At ang ibinubulong ng iyong puso
Natutulog ba ang diyos natutulog ba

At ikaw ay kaagad sumusuko
Konting hirap at konting pagsubok lamang
Bakit ganyan (bakit ganyan)
Nasaan ang iyong tapang
Naduduwag nawawalan ng pag-asa
At iniisip na natutulog pa
Natutulog ba ang diyos natutulog ba

Sikapin mo pilitin mo
Tibayan ang iyong puso
Tanging ikaw ang huhubog
Sa iyong bukas
Huwag mo sanang akalain
Natutulog ba ang diyos
Ang buhay mo ay mayro'ng halaga sa kanya

Dapat nga ba
Na ikaw ay maghintay
At himukin at pilitin ka ng tadhana
Gawin mo na kung ano ang nararapat
Magsikap ka at magtiwala sa maykapal
Nakahanda ang diyos umalalay sa iyo
Hinihintay ka lang kaibigan

Sikapin mo pilitin mo
Tibayan ang iyong puso
Tanging ikaw ang huhubog
Sa iyong bukas
Huwag mo sanang akalain
Natutulog ba ang diyos
Ang buhay mo ay mayro'ng halaga sa kanya