Vina Morales

Ngayon at Kailanman


Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Ngayon at kailanman
Sumpa ko'y iibigin ka
Ngayon at kailanman
Hindi ka na mag-iisa
Ngayon at kailanman
Sa hirap o ginhawa pa
Asahan may kasama ka sinta

Naroroon ako t'wina
Maasahan mo t'wina
Ngayon at kailanman

Dahil kaya sayo
Na maitadhanang ako'y isilang sa mundo
Upang sa araw-araw ay syang makapiling mo
Upang ngayon at kailanman ikaw'y mapaglingkuran hirang

Bakit labis kitang mahal
Pangalawa sa Maykapal
Higit sa'king buhay

Sa bawat araw ay pag-ibig ko sayo liyag
Lalong tumatamis tumitingkad
Bawat kahapon ay daig nitong bawat ngayon
Nadaig ng bawat bukas

Malilimot ka lang
Kapag ang araw at bituin
Ay di na matanaw
Kapag tumigil ang daigdig at di na gumalaw
Subalit isang araw pa matapos ang mundo'y magunaw na
Hanggang doon magwawakas
Pag-ibig kong sadyang wagas
Ngayon at kailanman

Sa bawat araw ang pag-ibig ko sayo liyag
Lalong tumatamis tumitingkad
Bawat kahapon ay daig nitong bawat ngayon
Nadaig ng bawat bukas

Sa bawat araw ang pag-ibig ko sayo liyag
Lalong tumatamis tumitingkad
Bawat kahapon ay daig nitong bawat ngayon
Nadaig ng bawat bukas

Labis kitang mahal
Tangi sa Maykapal
Ngayon at kailanman