
Ngayong Wala Ka Na
Bakit pag naririyan di mo pansin
Di mo hinahanap parang bale wala
Bakit kung kailan wala na ang lahat
Saka hinahagkan sana'y nagtagal
Paano kaya ibabalik muli
Ang bawat sandali nandito pa kung anong mahalaga
Sana may bukas pa ang ating kahapon
Sana'y ramdam ko pa ang yakap mo sinta
Hindi sana nasasaktan
Hindi sana nanghihinayang
Ngayong wala na ang lahat sa buhay ko
Bakit buhay ay minsan ay anong ganda
May nagmamahal sayo at nagmamahal kapa
Ngunit sa isang iglap nawawala
Nag iibang tagpo lahat naglalaho
Paano nga kaya ibabalik muli
Ang bawat sandali nandito pa ang ating nadarama
Sana may bukas pa ang ating kahapon
Sana ay ramdam ko pa ang yakap mo sinta
Hindi sana nasasaktan
Hindi sana nanghihinayang
Ngayong wala kana dito sa buhay ko
Sana may bukas pa ang ating kahapon
Sana ay ramdam ko pa ang yakap mo sinta
Hindi sana nasasaktan
Hindi sana nanghihinayang
Ngayong wala kana dito sa buhay ko