Dorothy Descalsota

Ngiti


Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Minamasdan kita
Nang hindi mo alam
Pinapangarap kong ikaw ay akin
Mapupulang labi
At matingkad mong ngiti
Umaabot hanggang sa langit

Huwag ka lang titingin sa 'kin at baka matunaw
Ang puso kong sabik

Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling
At sa tuwing ikaw ay gagalaw ang mundo ko'y tumitigil
Para lang sayo
Ang awit ng aking puso
Sana'y mapansin mo rin ang lihim kong pagtingin

Minamahal kita ng hindi mo alam
Huwag ka sanang magagalit (huwag ka sanang magagalit)
Tinamaan yata talaga ang aking puso
Na dati akala ko'y manhid
Hindi pa rin makalapit (makalapit)
Inuunahan ng kaba sa aking dibdib (sa aking dibdib)

Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling
At sa tuwing ikaw ay lalapit
Ang mundo ko'y tumitigil
Ang pangalan mo (ang pangalan mo)
Sinisigaw ng puso
Sana'y madama mo rin ang lihim kong pagtingin

Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling (nahuhumaling)
At sa tuwing ikaw ay gagalaw ang mundo ko'y tumitigil
Para lang sa'yo (para lang sa'yo)
Ang awit ng aking puso
Sana ay mapansin mo rin (mapansin mo rin)
Ang lihim kong pagtingin
Sa iyong ngiti