
O Diyos Iniibig Kita
O Diyos iniibig iniibig kita hindi dahil lamang sa 'king pag-asa
Na aking makamtan ang langit kong pita
At 'di rin dahilan sa aking pangamba na kapag Ikaw ay hindi ko sinita
Ay apoy ang aking kakamting parusa
O Hesus narito ang dahilang tunay na aking pag-ibig na lubhang dalisay
Dahil sa sala ko buhay mo ay inalay
Sa krus nang mahapdi't dustang pagkamatay
Tiniis mo'y pako sibat at paghalay
Pawis kiro’t sakit na walang kapantay
Tunay na marapat na kita'y mahalin
O Hesus na lubhang nagmamahal sa akin
'Di dahil sa langit na 'king mithiin o takot sa apoy na lubhang malagim
Di dahil sa gawad na nais kong kamtin hindi dahil dito kita iibigin
Kung paanong ako ay iniibig mo gayon din ang aking pag-ibig sa'yo
Ang tanging dahilan ng lahat ng ito ay pagkat hari ka
At tunay na Diyos ko tunay na Diyos ko
Tunay na Diyos ko tunay na Diyos ko