
Pa'no Ang Gabi
Kay hirap na isipin
Na wala ka na sa akin
Di ko maamin
Ang nangyayari sa atin
Silid ko ay kulungan
Kinulong sa kalungkutan
Ang pag ibig ko
Bakit ka ba lumisan
Dama ko na
Di na magbabalik muli
At di na rin kailan pa man
Sa akin uuwi
Pano ang gabi kung wala naman
Ikaw saking tabi
Yayakapin ko
At hahagkan ko
Unang may luha na parati
Tila ayaw na ng aking mundo
Patuloy na umikot pa
Wala na ngang silbi na mabuhay pa
Pagkat tuluyan nawala ka na
Halos nabaliw ang puso
Sa iniwan mong pangako
At di mag iisa
At tayo lang dalwa
Bakit isang umaga
Ay di ko na makita
Ang isang ikaw
Sa akin nagbago ka na
Dama ko na di na magbabalik muli
At di na rin kailan pa man
Sa akin uuwi
Pano ang gabi kung wala naman
Ikaw saking tabi
Yayakapin ko at hahagkan ko
Unang may luha na parati
Tila ayaw na ng aking mundo (ayaw na)
Patuloy na umikot pa
Wala na ngang silbi na mabuhay pa
Pagkat tuluyan nawala ka na
Lahat ng dasal ay dinasal ko na
Upang baka sakali na sa akin bumalik ka pa
Di kay dali na tangaping wala ka na
Hanggang kailan kaya
Ako mag iisa
Pano ang gabi kung wala naman
Ikaw saking tabi
Yayakapin ko at hahagkan ko
Unang may luha na parati
Tila ayaw na ng aking mundo
Patuloy na umikot pa
Wala na ngang silbi na mabuhay pa
Pagkat tuluyan nawala ka na (ka na)
Oh pa'no ang gabi (oh pa'no ang gabi)