April Boys

Paalam Kahit Sa Awit Lang


Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Aking mahal sayo ako'y magpapaalam
Kahit sa awit lang
Bukas tayo'y magkikita
Ako'y di makakapunta
'Pagkat ako'y lalayo
Na nagdaramdam sayo
Nalaman ko ako'y niloko mo

Bakit naman agad nagbago
Ang iyong isipan
At ako'y pinalitan
Para bang ako'y isang laruan
Na pwede mong iwanan
Pagkatapos mong pagsawaan

Sa ibang lugar doo'y aking malilimutan
Aking kasawian
Kung sakali iyong maisip
Ako'y minamahal mo pa rin
Ako'y handang magbalik
Asahan mong wala kang kapalit
'Pagkat ikaw ang syang iniibig

Kahit ano ang sabihin ng iba'y
Hindi ko rin naman papansinin
Mahalaga minamahal kita
At iyan ay patutunayan ko kailan pa man
Do do do do

Bakit naman agad nagbago
Ang iyong isipan
At ako'y pinalitan
Para bang ako'y isang laruan
Na pwede mong iwanan
Pagkatapos mong pagsawaan