Paano Kaya
Hindi ko naisip na
Ako'y iiwanan mo
Anong pagkakamali
Ng puso ko sana'y nasabi mo
Di pa ba sapat
Ang pag-ibig na alay ko sa'yo
Upang damdamin ko'y
Lubusang saktan mo
Pa'no kaya ang puso ko kapag kapiling mo na siya
Pa'no kaya matatanggap sa buhay ko'y wala ka na
Pa'no kaya ang sandali kapag naaalala ka
Pa'no kaya kung ang pag-ibig mo'y wala na
Bakit di ko nadama
Na mayron ka nang iba
Ba't di ko nalaman na
Ako pala ngayo'y mag-iisa
Ang pag-ibig at damdamin ko
Ngayo'y paano na
At tuluyang ako'y iiwan ba
Pa'no kaya ang puso ko kapag kapiling mo na siya
Pa'no kaya matatanggap sa buhay ko'y wala ka na
Pa'no kaya ang sandali kapag naaalala ka
Pa'no kaya kung ang pag-ibig mo'y wala na
Pa'no kaya ang puso ko kapag kapiling mo na siya
Pa'no kaya matatanggap sa buhay ko'y wala ka na
Pa'no kaya ang sandali kapag naaalala ka
Pa'no kaya kung ang pag-ibig natin ay mawawala na