The Juans

Pag-Ibig Lang


Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Di na alam ang gagawin
Kakapit na ba ako sa patalim
Kailan ba matatapos ang dilim
Minsa'y parang nakakapagod na

Hanggang kailan ko dadalhin
O kay bigat nitong aking pasanin
Mayro'n bang nakikinig sa aking panalangin
Mayro'n ba sa 'ki'y nagmamahal

Pero 'di ibig sabihin na ako'y susuko
Pag-ibig ang aking sandata

Ako'y mangangarap
Magtitiwala
Hanggang ang lahat
Ay makakita
Na mayro'ng liwanag
At mayro'ng pag-asa
Pag-ibig lamang
Aking kakapitan
Pag-ibig lang
Pag-ibig lang

Lahat ay aking kakayanin
Hirap man o sakit kayang tiisin
Pasasaan ba't matatapos din ang dilim
Gagaan din ang pakiramdam

At dahil sa 'yo ako'y hinding-hindi susuko
Pag-ibig ang aking sandata

Ako'y mangangarap
Magtitiwala
Hanggang ang lahat
Ay makakita
Na mayro'ng liwanag
At mayro'ng pag-asa
Pag-ibig lamang
Aking kakapitan
Pag-ibig lang
Pag-ibig lang

Pag-ibig lang
Pag-ibig lang
Pag-ibig lang
Pag-ibig lang
Pag-ibig lang
Pag-ibig lang

Ako'y mangangarap
Magtitiwala (magtitiwala)
Hanggang ang lahat
Ay makakita (lahat ay makakita)
Na mayro'ng liwanag
At mayro'ng pag-asa
Pag-ibig lamang (pag-ibig lamang)
Aking kakapitan (pag-ibig lamang)
Pag-ibig lang
Pag-ibig lang
Pag-ibig lang