Pag-Ibig Natin
Simula pa ay isa lang ang aking dalangin
Pagmamahalan natin magtagal hanggang libing
Ngunit bakit ganito ang nararamdaman ko
Tila biglang naglaho ang pag-ibig mo
Pag-ibig natin hindi magmamaliw ikaw lamang ang iibigin aking giliw
Pagmamahal sayo laging alalahanin tunay na ligaya para sa atin
Nalimutan mo na ba ang aking mga pangako
Na sadyang ikaw lang ang mahal ng puso ko
At hindi magbabago ang pag-ibig ko sayo
Mananatili rin tapat sa pangako mo