
Pagbabalik
Ngayon ay aahon at kakalimutan ang nakaraan
Dilim ng kahapon isasantabi na at wawakasan
Pagkat ang liwanag ng pag-ibig mo
Ay ilaw gabay sa pagbabalik ko
Aawitin ang iyong katapatan at kadakilaan hey
Sasayaw sa saliw ng lawak ng iyong pagmamahal
Lulundag sa lalim ng kabutihan ng iyong hangarin
O ang lahat ng iyong mga anak magbabalik sa'yo ama
Ipagdiriwang at ihahayag ang kalayaan
'Di papaalipin hindi na muling magpapabihag oh
At sa bawat sulok ng buong mundo
Ihahayag tanging pangalan mo
Aawitin ang iyong katapatan at kadakilaan oh
Sasayaw sa saliw ng lawak ng iyong pagmamahal oh
Lulundag sa lalim ng kabutihan ng iyong hangarin
O ang lahat ng iyong mga anak magbabalik sa'yo ama
Ama walang katulad ang pangako at pag-ibig na alay
Hesus ikaw ang daan tanging katotohanan at buhay
Ama walang katulad ang pangako at pag-ibig na alay
Hesus ikaw ang daan tanging katotohanan at buhay oh
Ama walang katulad ang pangako at pag-ibig na alay oh
Hesus ikaw ang daan tanging katotohanan at buhay
Lahat ay magagalak hey (oh)
Aawitin ang iyong katapatan at kadakilaan oh
Sasayaw sa saliw ng lawak ng iyong pagmamahal oh
Lulundag sa lalim ng kabutihan ng iyong hangarin
O ang lahat ng iyong mga anak magbabalik sa'yo ama
Magbabalik sa'yo ama
Magbabalik sa'yo ama oh
Magbabalik sa'yo ama
Magbabalik sa'yo ama