
Pagbitaw
Kailan ka pa napagod sinta
Bibitaw ka lang pala
Ang pag-ibig mo sa'kin sinta'y naglaho na
At ang gabi ng walang pagdaramdam
Ligaya mo'y ipagdarasal
Kung sa piling ko'y di mo natagpuan ang iyong saya
O araw ng dapit-hapon
Sinagan mo akong nag-iisa
O hangin ang pakiusap ko ay mabawasan
Ang hapdi ng pagbitaw
Maglalakad papalayo ng di alam sa'n liliko
Ang anino ng pag-iisa ay tatakasan ko
Mga pangarap na gumuho
Mga oras at panahon na nasayang lang
'Pagkat hindi ako
O araw ng dapit-hapon
Sinagan mo akong nag-iisa
O hangin ang pakiusap ko ay mabawasan
Ang hapdi ng pagbitaw
Mabawasan ang hapdi ng pagbitaw
Mabawasan ang hapdi ng pagbitaw