Sylvia La Torre

Paglubog Ng Araw


Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Ang pusong nagmamahal
Ay laging namamanglaw
Lalo na kung mamasdang
Lumulubog ang araw

At habang dumidilim
Ay aking dinarasal
Sa buhay ang pag-giliw
Huwag lubugan ng araw

Sa pag-ibig ang dilim
Pighati'y dumarating
At ibig gunawin
Sa lungkot ang pag-giliw

Ngunit sa pagmamahal
Langit kang tinatanaw
Na pag-asang tunay
Sa paglubog ng araw

Ngunit sa pagmamahal
Langit kang tinatanaw
Na pag-asang tunay
Sa paglubog ng araw