
Pahina
Oh
Tuwing pahina'y binubuklat nararating ko ang gubat
Naririnig ko ang himig ng dumadaloy na batis
Hinahagkan ako ng hangin mula kung saang lupain
Pahina ako'y iyong dalhin
Sa magaganda at malalayong lupain
Pahina sa'kin ay iparinig
Ang pintig ng pusong umiibig
Pahina sa'kin ay ipaalam
Ang tamis ng pagmamahalan
Pahina sa'kin ay ipadama
Takot at pangamba sakit at saya
Na na
Tuwing pahina'y sinasarhan buhay nama'y binubuksan
Handa na akong umibig at damhin ang saya't sakit
Haharapin ko ang hamon bawat sandali at panahon
Pahina ako'y iyong dalhin
Sa magaganda at malalayong lupain
Pahina sa'kin ay iparinig
Ang pintig ng pusong umiibig
Pahina sa'kin ay ipaalam
Ang tamis ng pagmamahalan
Pahina ako'y iyong dalhin
Sa magaganda at malalayong lupain
Pahina sa'kin ay iparinig
Ang pintig ng pusong umiibig
Pahina sa'kin ay ipaalam
Ang tamis ng pagmamahalan
Pahina sa'kin ay ipadama
Takot at pangamba sakit at saya
Na na na na na na na