
Palengke
Nagpunta ako sa palengke
Para bumili ng gulay
Kay hirap namang sumakay
Laging puno ang sasakyan
Kalesa ang kailangan
Wala nang pila hindi pa magastos
Madali pa ang biyahe
Kahit saan ka magpunta
Aleng tindera ano bang tinda niyo
Sariwa ba ang gulay na ito
Sagot ng tindera ito'y bago
Bili na at nang matikman niyo