Ang Bandang Alamat

Panaginip


Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Binibining kayganda kailan kaya makikita ang iyong
Mga ngiti
Sa tuwing iniisip kita
Mundo'y biglang nag-iiba't lumalabis
Ang aking tuwa
Kasama ka sa aking pag-idlip
Ngunit hindi naman kita nahahawakan
Nagbabalak pa sanang ikaw ay lambingin
Pero bigla na lang nawala

Pupuwede ba kitang isama
Sa katotohanang kay ganda
Kung pwede lang sana
Kung ikaw ay isang panaginip
Ayoko nang gumising pa
Ayoko na

Magdamag na naghintay
Na makatulog at makasama na
Kita
Doon ay nakikita ka
Kumakaway ngunit wala namang
Mukha

Kasama ka sa aking pag-idlip
Ngunit hindi naman kita nahahawakan
Nagbabalak pa sanang ikaw ay lambingin
Pero bigla na lang nawala

Pupuwede ba kitang isama
Sa katotohanang kay ganda
Kung pwede lang sana
Kung ikaw ay isang panaginip
Ayoko nang gumising pa
Ayoko na

Pupuwede ba kitang isama
Sa katotohanang kay ganda
Kung pwede lang sana
Kung ikaw ay isang panaginip
Ayoko nang gumising pa
Ayoko na

Sinasadya mo bang pumasok sa 'king isip
At paglaruan ang aking pag-idlip
Kailan ka pa kaya magpapakita sana ay
Mamaya na

Pupuwede ba kitang isama
Sa katotohanang kay ganda
Kung pwede lang sana
Kung ikaw ay isang panaginip
Ayoko nang gumising pa
Ayoko na