Alamid

Panaginip


Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Sa aking panaginip
Malinis na paligid at hanging kay lamig
Dito makikita
Huni ng ibon at patak ng ulan
Dito'y pakinggan

At kung ika'y mapapadaan sana ay magtagal
Ikaw at ako magkahawak ang kamay
Mundo'y magkaisa

Mga bata sa lansangan naglalaro maghapon
O anong saya
Lahat nagmamahalan wala nang alitan lahat ay iisa

At kung ika'y mapapadaan sana ay mapansin
Ikaw at ako magkahawak ang kamay
Mundo ay iisa

Sa aking panaginip
Iisa ang kulay sa aking panaginip
O kay saya ng buhay sa aking panaginip
Nagmamahalang tunay sa aking panaginip
Laganap ang pag-ibig

Sa aking panaginip
Iisa ang kulay sa aking panaginip
O kay saya ng buhay sa aking panaginip
Nagmamahalang tunay sa aking panaginip
Laganap ang pag-ibig

Sa aking panaginip wo
Sa aking panaginip
Sa ating panaginip
Tayo'y magkakapatid