
Panalangin Ng Paghilom
Panalangin ng paghilom
O Panginoong Hesus
Hilumin niyo po ang sugat ng aming bayan
Patawarin niyo po kami sa aming mga kasalanan
Iligtas niyo po kami sa anumang kapahamakan
Pagalingin niyo po kami sa aming mga karamdaman
Palakasin niyo po ang aming kalooban
Sa lahat ng mga pagsubok na aming tatahakin
Balutin niyo po ang aming buong mundo o Diyos Ama
Ng kapayapaan pag-uunawaan pagbibigayan at pagmamahalan
Amen