
Panawagan
Oh oh
Maghawak-hawak tayo ng kamay
Bawat isa'y kailangan ang isa't isa
Ang hiyaw ng panawaga'y bayanihan
Pagsamasamahin ang ating dasal
Iisa ang dugo na dumadaloy sa'ting ugat
Iisa rin ang hangin na nilalanghap sa tuwing humihinga
Ipadarama ang kayumanggi nagkakaisa anumang mangyari
Damayan pagmamahalan aalalayan kapwa Pilipino
Kahit na anong bigat ay bubuhatin
Basta't kapit bisig gagaan pa rin
Lahat man ay maabo magdilim ang langit (magdilim ang langit)
Itatanglaw sa kapwa'y pag-ibig
Iisa (iisang bigkis)
Ang dugo (isang buhay)
Na dumadaloy (nadidinig)
Sa ating ugat (bawat sigaw)
Iisa (iisang tinig)
Rin ang hangin (iisang hangin)
Na nilalanghap sa tuwing humihinga
Ipadarama (paglingap)
Ang kayumanggi (iaalay)
Nagkakaisa (magkaisa)
Ano mang mangyari (maghawak kamay)
Damayan (ihahatid)
Pagmamahalan (isang pag-ibig)
Ibabangon kapwa Pilipino
Oh oh
Hagupit man ng unos haharapin
Pananalig sa Diyos gawing baluti
Pag-asa at ngiti ihandog mo
Kapanatagan ng bawat puso
Tayo ay kayumanggi (maghawak-hawak tayo ng kamay)
Isa lang kulay at lahi (bawat isa'y kailangan ang bawat isa)
Damayan pagmamahalan (ang hiyaw ng panawaga'y bayanihan)
Iaahon kapwa Pilipino (pagsamasamahin ang ating dasal)
Aalalayan ibabangon (pagsamasamahin ang ating dasal)
Iaahon (iaahon)
Kapwa Pilipino