Nitoy Gonzales and His Rondalla

Panawagan


Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Sa dilim ng hating gabing matahimik
Ang simoy ng hangin ay lubhang malamig
Lakas loob akong sayo'y namamanhik
Na dinggin mo ang puso kong umaawit

Ang pakiusap ko'y huwag kang magagalit
Pag-gambala ko sayong pananahimik
Pagkat ang nais ko'y iyong mababatid
Ikaw lamang ang tunay kong iniibig

Panawagan ko sinta
Gising na't magbangon ka
Upang iyong madama
Ang puso kong nagdurusa

Panawagan kong ito
Kahit saglit dinggin mo
Upang iyong matanto
Tunay na pag-ibig ko

Panawagan kong ito
Kahit saglit dinggin mo
Upang iyong matanto
Tunay na pag-ibig ko

The most viewed