Sylvia La Torre

Pandanggo Sa Pag-Ibig

Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Ang pandanggong sayaw na may ilaw
Ay sayaw na mahinhin nitong bayan
Ang ilaw ay tanda ng pag-asa
Ng pusong sa pag-ibig ay may dusa

Ang pandanggong ito ay ingatan mong isayaw
Baka mahulog ang ilawan sa maling kilos ng kamay
Ang puso kong tapat ay katulad ng ilawan
Baka mo ibagsak na bigla ay mawasak lang

Sa pandanggong ito nang tayo'y magsayaw sa galak
Ang langit ng ligaya'y tila aking naakyat
Kahit ilaw ka man sawi pa rin yaring pagliyag
Pag di mo tinulutan ng liwanag