Sylvia La Torre

Pandangguhan

Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Manunugtog ay nangagpasimula at nangagsayaw na ang mga mutya
Sa mga padyak parang magigiba ang bawat tapakan ng mga bakya
Kung pagmamasdan ay nakatutuwa ang hinhin nila'y hindi mawawala
Tunay na hinahangaan ng madla ang sayaw nitong ating inang bansa

Dahil sa ikaw mutyang paraluman
Walang sing ganda sa dagat silangan
Mahal na hiyas ang puso mo hirang ang pag-ibig mo'y kayhirap kamtan
Kung hindi taos ay mabibigo sa mga pagsuyong iniaalay

Halina aking mahal
Ligaya ko ay ikaw
Kapag di ka natatanaw
Ang buhay ko ay anong panglaw

Kung may pista sa aming bayan ang lahat ay nagdiriwang
May lechon bawat tahanan may gayak pati simbahan
Paglabas ni Santa Mariang mahal kami ay taos na nagdarasal
Prusisyon dito ay nagdaraan kung kaya ang iba'y nag-aabang
May tumutugtog at may sumasayaw mayron sa galak ay napapasigaw
Ang pista sa bayan namin ay ganyan
Ang saya'y tila walang katapusan