Introvoys

Pangarap


Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

'Di na dapat pang mangamba
Kahit na anong sabihin pa nila
Basta't alam kong mahal kita
Hinding-hindi yan magbabago

Ang pangarap ko'y 'di mapipigilan
Parang tubig na umaagos 'di mahahawakan
At sana ay naiisip mo
Hindi kita pababayaan

Pilitin mang gawin hindi ko magawa
Naisin mang sabihin baka mahalata
Mga sulyap ng aking mga mata
Mahal kita ang sinasabi

Ang pangarap ko'y 'di mapipigilan
Parang tubig na umaagos 'di mahahawakan
At sana ay naiisip mo
Hindi kita pababayaan

'Di ko man maibigay ang mundo
Iyong-iyo naman ang buhay ko
Nais kong malaman mong ikaw lang

Ang pangarap ko'y 'di mapipigilan
Parang tubig na umaagos 'di mahahawakan
At sana ay naiisip mong
Na ang pangarap ko'y 'di mapipigilan
Parang tubig na umaagos 'di mahahawakan
At sana ay naiisip mong
Hindi kita pababayaan


Writer/s: ENRICO ARESPACOCHAGA