Troy Alcala

Panibagong Kwento


Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Paalam na ba
Paalam na ba ang dapat
Dapat na sabihin
Walang magawa
Kun'di ang maghintay na lamang
Ng pagkakataon
Ngunit di na yata
Darating ang isang umaga
Na muli kang makikita sa muling pag-umpisa

Sa panibagong kwento ng aking buhay
Kung wala ka pano magkakakulay
Itong mundo na puno ng gulo oh Diyos ko
Paano kung magpapaalam na

Itutuloy pa ba
Itutuloy pa ba ang dapat
Dapat na gawin
Itong nawala
Na nasimulan dapat pa bang
Dapat pa bang tapusin ngunit di na yata
Darating ang isang pag-asa
Na masasabi ko sayo
Mahal halika na

Sa panibagong kwento ng aking buhay
Kung wala ka pano magkakakulay
Itong mundo na puno ng gulo oh Diyos ko
Paano kung magpapaalam na

Kung babalik ka pa
Masasabi ko pa kaya
Sa mga buwan at bituin
Di ko na makita
Natatakpan ng maitim na ulap
At kung mapagbibigyan
Sana'y nandito ka

Sa panibagong kwento ng aking buhay
Kung wala ka pano magkakakulay
Itong mundo na puno ng gulo oh Diyos ko
Paano kung magpapaalam na

Kwento ng aking buhay
Kung wala ka pano magkakakulay
Itong mundo na puno ng gulo oh Diyos ko
Paano kung magpapaalam na