
Para Sa Bayan
Pilipino ako
Sa puso't diwa
Ang buhay ko sa bayan ay itataya
Pilipinas na
Aking bansa
Ang iwanan ka'y hinding-hindi magagawa
Ikaw ang tahanan ng aking lahi
Lahing kayumanggi
Di papayag na ikaw ay ma-aglahi
Kahit dugo ang maging sukli
Para sa bayan tungkulin ko'y gagampanan
Nang buong tapat at walang pag-iimbot kailan pa man
Para sa bayan susundin ko ang batas na pinaiiral
Hindi ako maghahangad ng para sa sarili lamang
Igagalang ko ang kapwa
Sa isip ko sa salita at sa gawa
Magulang ko ay susundin
At ang utos ng Diyos aking tutuparin
Ikaw ang tahanan ng aking lahi
Lahing kayumanggi
Di papayag na ikaw ay ma-aglahi
Kahit dugo ang maging sukli
Para sa bayan tungkulin ko'y gagampanan
Nang buong tapat at walang pag-iimbot kailan pa man
Para sa bayan susundin ko ang batas na pinaiiral
Hindi ako maghahangad ng para sa sarili lamang
Iaalay ko ang aking buhay nang buong katapatan
Pilipino ako puso't isip ko'y ganyan (Pilipino ako)
Para sa bayan tungkulin ko'y gagampanan (para sa bayan)
Nang buong tapat at walang pag-iimbot kailan pa man (hanggang kailan pa man para sa bayan)
Para sa bayan susundin ko ang batas na pinaiiral (susundin ko)
Hindi ako maghahangad ng para sa sarili lamang (sarili lamang)
Para sa bayan (para sa bayan)
Para sa bayan (para sa bayan)
Para sa bayan