
Parang Baliw
Nang ikaw ay lumisan
Na tangay mo'y katwiran na nagmamahal sayo
Nang ako ay iniwan
Natira'y puso lamang na nagmamahal sayo
Aking puso't damdamin
Ay di na dadalhin
Sa dating tagpuan
Ng ating suyuan
Para bang baliw (para bang baliw)
Na hinahanap ka
Para bang baliw (para bang baliw)
Na tinatawag ka
Sa harap ng sinungaling na pang-aliw
Na babalik ka pa giliw
Para bang baliw (para bang baliw)
Na umiibig pa
Ang muli kang maging akin
Ang tanging siyang panalangin na nagmamahal sayo
Paano mo pipigilin
Ang mapusok na damdamin na nagmamahal sayo
Alaalang nahiram
Tuwing aking binabalikan
Puso'y lumalaban
Sa aking katuwiran
Para bang baliw (para bang baliw)
Na hinahanap ka
Para bang baliw (para bang baliw)
Na tinatawag ka
Sa harap ng sinungaling na pang-aliw
Na babalik ka pa giliw
Para bang baliw (para bang baliw)
Na umiibig pa
Para bang baliw (para bang baliw)
Na hinahanap ka
Para bang baliw (para bang baliw)
Na tinatawag ka
Sa harap ng sinungaling na pang-aliw
Na babalik ka pa giliw
Para bang baliw (para bang baliw)
Na umiibig pa
Para bang baliw (para bang baliw)
Para bang baliw (para bang baliw)
Na umiibig pa