Eraserheads

Pare Ko


Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Pare ko meron akong problema
Wag mong sabihing na naman
In love ako sa isang kolehiyala
Hindi ko maintindihan

Wag na nating idaan sa ma-boteng usapan
Lalo lang madaragdagan
Ang sakit ng ulo at bilbil sa tiyan

Anong sarap kami'y naging magkaibigan
Napuno ako ng pag-asa
Yun pala haggang do'n lang ang kaya
Akala ko ay pwede pa

Masakit mang isipin kailangang tanggapin
Kung kelan ka naging seryoso tsaka ka niya gagaguhin

O Diyos ko ano ba naman ito
Di ba tang ina nagmukha akong tanga
Pinaasa niya lang ako
Letseng pag-ibig to
Diyos ko ano ba naman ito wohoho

Sabi niya ayaw niya munang magkasiyota
Dehins ako naniwala
Di nagtagal naging ganun na rin ang tema
Kulang na lang ay sagot niya

Ba't ba ang labo niya di ko maipinta
Hanggang kelan maghihintay ako ay nabuburat na
Pero minamahal ko siya
Di biro TL ako sa kanya
Alam kong nababaduyan ka na sa mga sinasabi ko
Pero sana naman ay maintindihan mo

O pare ko (o pare ko) meron ka bang maipapayo
Kung wala ay okey lang (kung wala ay okey lang)
Kailangan lang ay ang iyong pakikiramay (kailangan lang ay ang iyong pakikiramay)
Andito ka ay ayos na(andito ka ay ayos na)

Masakit mang isipin kailangang tanggapin
Kung kelan ka naging seryoso tsaka ka niya gagaguhin

O Diyos ko ano ba naman ito
Di ba tang ina nagmukha akong tanga
Pinaasa niya lang ako
Letseng pag-ibig to

Diyos ko ano ba naman ito
Di ba tang ina nagmukha akong tanga
Pinaasa niya lang ako
Letseng pag-ibig to
Diyos ko ano ba naman ito wohoho oh oh