Mimo Perez

Pariseo


Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Namamangha naiiyak
Ang mga nakikinig kinikilig
Sa lamig ng 'yong tinig
Isip nila'y binubusog
Tenga nila'y binubugbog
Ngunit puso nila'y wala pa ding pag-ibig

Kapag inakay ng bulag
Ang kapwa niya bulag
Madadapa o di kaya
Ay sa kanal malalaglag
Kung sa puso mo ika'y walang pag-ibig na taglay
Kapayapaa'y di mo maibibigay

Bumibilib ka ng husto
Sa sarili mong galing
Pati ang Diyos nagkakamot naiiling
Kelan kaya magigising
Kelan kaya mapapansin
Na ika'y naiwan sa dilim

Bawat salitang lumalabas
Bawat katagang binibigkas
Walang laman walang katas sa hangin lang lumalampas
Pakakak ang katulad mo
Pakakak na nag-iingay
Ngunit ang ingay mo'y wala namang saysay

Ang buhay mo'y di uunlad
Kung ika'y isang huwad
Tumatanda ngunit walang natutupad
Maputi nga sa labas ngunit sa loob naaagnas
Ang buhay mo'y isang ganap na palabas

Itigil ang pamumuna
Itigil ang panghuhusga
Nagkamali ka rin katulad ng iba
Imulat ang mga mata
Buksan ang 'yong mga tainga
Ikaw ba at ang pariseo'y iisa