Mabuhay Singers

Pasko sa Maynila


Print songSend correction to the songSend new songfacebooktwitterwhatsapp

Sa tuwing sasapit ang Pasko masaya ang Maynila
Ang pagdiriwang ay taon-taong ginagawa
Maayos ang bawat pook pawang magagara
Lahat ng tahanan kahit dukha'y naghahanda

Walang pahinga araw-gabi bawat tao
Sabik na sabik sa pagdating nitong Pasko
Kay saya-sayang naghihintay
Sa kasiglahan nitong araw

Maligaya ang lahat kung araw ng Pasko
Dito sa Maynila ay masisiyahan kayo
Napakasaya rito
Tuwing sasapit ang araw ng Pasko

Sa tuwing sasapit ang Pasko masaya ang Maynila
Ang pagdiriwang ay taon-taong ginagawa
Maayos ang bawat pook pawang magagara
Lahat ng tahanan kahit dukha'y naghahanda

Walang pahinga araw-gabi bawat tao
Sabik na sabik sa pagdating nitong Pasko
Kay saya-sayang naghihintay (kay saya-saya)
Sa kasiglahan nitong araw (sa bawat araw)

Maligaya ang lahat tuwing araw ng Pasko
Dito sa Maynila ay masisiyahan kayo
Napakasaya rito (napakasaya)
Tuwing sasapit ang araw ng Pasko
Napakasaya rito (napakasaya)
Tuwing sasapit ang araw ng Pasko